Papaano ko malalaman kung ako ay may karapatan para sa Pondo na Tulong ng Seattle (Seattle Relief Fund)?
Para mag-aplay, kinakailangan na matugunan ninyo ang LAHAT ng mga kinakailangan sa ibaba:
Ang talaan ng kita ng pagiging karapat-dapat ay matatagpuan sa ibaba. Halimbawa, kung kayo ay mag-aaplay para sa pamilya ng apat, at ang kabuuan ng buwanang kita ng inyong sambahayan ay mas-mababa sa $4,821, kung gayon ay may karapatan ang inyong pamilya.
I-click para sa Talaan ng Pagiging karapat-dapat
Paano ko malalaman kung ako ay nakatira sa loob ng mga hangganan ng Lungsod ng Seattle?
Maaari mong masuri ang mga hangganan ng Lungsod ng Seattle dito sa: https://bit.ly/seattle-boundaries.
Anong mga uri ng kita ang kinakailangan ko na isama sa aplikasyon na ito?
Hihilingin sa iyo na maibigay ang karaniwang buwanan na kita sa inyong sambahayan, kung saan kabilang ang mga sahod, mga tip, mga komisyon, mga kabayaran mula sa mga gawaing pangsariling-trabaho, suporta sa bata, kawalan ng hanapbuhay, bayad na pang-pamilya at pang-medikal na pahinga, pagreretiro, mga benepisyo ng Social Security.Kung ang inyong sambahayan ay tumatanggap ng mga pampumblikong benepisyo, hihilingin din sa iyo na maibigay ang karaniwang buwanan na halaga na iyong natatanggap mula sa Pansamantalang Tulong para sa mga Nangangailangan na Pamilya (Temporary Assistance for Needy Families (TANF)), Tulong na Programa para sa Karagdagang Nutrisyon (Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP)), Housing Choice Vouchers (Section 8), Tulong pinansyal para sa mga tumakas (Refugee Cash Assistance), Karagdagang Kita ng Securidad (Supplemental Security Income).Hindi na ninyo kinakailangan na isama ang mga balik-buwis na kinita, mga pagbabayad ng tax credit para sa bata, minsang tulong sa renta, mga pederal na pang-ekonomiyang pagbabayad (federal economic payments) sa inyong pagkalkula.
Sino ang itinuturing na artista o manggawa sa kultura?
Mga indibidwal na artista at mga manggagawa sa kultura sa mga disiplina na ito:
- biswal/kasanayan
- sayaw/koreograpika
- musika/komposisyon/tunog
- literatura/grapikong nobela
- midya/pelikula/digital na midya/panunulat pang-pelikula
- panulaan/talumpati
- teatro/pagsusulat ng iskrip
- etniko/mga tradisyunal na anyo ng kultura
Kabilang dito ang mga tagapayo, mga editor, panlipunang pagsasanay, pagtuturo ng mga artista, o mga tagapangasiwa ng sining.
Kinakailangan ba ng patunay ng mga artista/manggagawa ng kultura na naninirahan sa Seattle na sila ay nagmamay-ari o nangungupahan ng istudyo o lugar pangensayo sa Seattle?
Hindi, ang mga artista/manggagawa ng kultura na naninirahan sa Seattle ay hindi na kinakailangan na magpakita na sila ay nagmamay-ari o nangungupahan ng istudyo o lugar pangensayo sa Seattle.Tanging ang mga hindi naninirahan sa Seattle na mga artista/manggagawa ng kultura ang dapat magbigay ng patunay na sila ay nangupahan o nagmay-ari ng isang istudyo o lugar na pangensayo sa Seattle anumang panahaon pagkatapos ng Marso 2020.
Ako ay nakatira sa labas ng Seattle, ngunit isa sa aking kasamabahayanan ay nagtatrabaho sa Seattle.
Kung ikaw ay nakatira sa labas ng Seattle, ikaw o sino man sa inyong kasambahayanan ay dapat
- nakalista sa programa na "Seattle Promise"
O KAYA - nakalista sa mga Pampublikong paaralan sa Seattle (Seattle Public Schools)
O KAYA - isang artista/manggagawa ng kultura na nagmamay-ari o nangungupahan ng lugar sa loob ng mga hangganan ng lungsod ng Seattle sa anumang panahon simula Marso 2020.
Lahat ba ng nag-aplay para sa "Seattle Relief Fund" ay makakatanggap nitong tulong pinansiyal?
Dahil sa limitado ang mga pondo, hindi namin mapagsisilbihan ang lahat.Ilan sa mga may karapatan na mga aplikante ay maaring hindi makatanggap ng suportang pampinsyal.Ang prosesong pagsusuri ay HINDI batay sa unang makarating, unang sisilbihan.
Upang matulungan ang mga may higit na pangangailangan, aming uunahin ang mga aplikante base sa mga sumusunod na pamantayan na nakalista na walang partikular na pagkakasunod-sunod:
- Ang mga Sambahayanan na nakaranas ng pinsala mula sa karahasan simula Marso 2020, kabilang ang poot/krimen ng pangmamaliit at mga nakaligtas sa kaharasan sa tahanan.
- Ang mga pamilya na may mga anak o mga umaasa na maygulang, mga nag-iisang magulang, mga walang asawa at mga buntis, at mga sambahayan na may isa o higit pa sa isa na may kapansanan.
- Mga sambahayan na nakaranas ng pagkawala ng trabaho/walang kita bilang resulta ng krisis sa COVID-19 AT hindi ma-access ang mga benepisyo para sa pagka-wala ng trabaho ng estado.
- Mga sambahayan na hindi naging kwalipikado para sa mga kabayaran ng pampasigla ng pederal (Federal Stimulus).
- Mga sambahayan na mayroong miyembro na walang katiyakan para sa pangangalaga ng pangkalusugan sa 2020 o 2021.
- Sambahayan kung saan mayroong sinuman na miyembro ay nakaranas ng pagkamatay, pagpapa-ospital, o mga pang-matagalang epekto sa kalusugan (https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/long-term-effects.html) dahil sa COVID-19.
- Mga sambahayan kung saan mayroong sinuman na miyembro ay nakaranas ng kalusugang pang-isipan o krisis sa paggamit ng droga at naghanap ng pagpapagamot o payo dahil sa krisis ng COVID-19.
- Mga sambahayan na nakaranas ng kawalang-tatag ng pabahay, (mga kasamang halimbawa at hindi limitado sa pananatili sa mga silungan para sa biglaang pangangailangan, kawalan ng kakayahang magbayad ng renta o mortgage, pag-hiling ng biglaang tulong para sa pag-aari ng tahanan) mula Marso 2020 bilang resulta ng krisis sa COVID-19.
Ako ay nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa 2020 "Seattle COVID-19 Disaster Relief Fund" para sa mga Imigrante.Ako ba ay maari pang makapag-aplay para sa 2021 Seattle Relief Fund?
Kung ikaw ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa 2020 "Seattle COVID-19 Disaster Relief Fund" para sa mga imigrante, ikaw ay hindi karapat-dapat para sa pagpopondong ito.Kung maari lamang ay huwag na mag-aplay para sa 2021 "Seattle Relief Fund".
Dapat ay natawagan na kayo ng Scholarship Junkies noong Agosto 2021 upang kumpirmahin ang inyong pagiging karapat-dapat para sa karagdagan pang mga sumusunod na pagpopondo.Kung ikaw ay nakatanggap ng pagpopondo noong nakaraang taon, at hindi ka nakatanggap ng abiso ng muling pag-ulit (recertification notification) sa pamamagitan ng text o email, mangyaring tumawag o mag-text sa (206) 312-1630 o mag-email sa update@seattlecovidfund.org.
Ako ay walang dokumento.Ako ba ay may karapatan na makatanggap ng pagpopondo?
Oo.Ang pagpopondong ito ay inilaan para sa sinumang residente ng Seattle na may mababang kita anuman ang kanilang pagkamamamayan o katayuan sa imigrasyon, hangga't natutugunan nila ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.Ang Lungsod ng Seattle ay hindi pinahihintulutan na magtanong nang tungkol sa katayuan sa imigrasyon ng kahit sino man ayon sa Ordinance 121063.Nangangahulugan ito na hindi kami nagtatanong tungkol sa katayuan sa imigrasyon sa pormularyo ng aplikasyon para sa Seattle Relief Fund.
Ako ay kasal, at ako at ang aking asawa ay parehong kwalipikado para sa pagpopondo.Dapat ba na pareho kami na mag-aplay?
Isa lamang sa inyo ang dapat mag-aplay para sa inyong sambahayan.Ang mag-asawa (2 na maygulang) ay may karapatan na tumanggap ng isang kabayaran na $2,000.
Ang aking sambahayan ay binubuo ng maraming mga pamilya.Paano kami dapat mag-aplay?
Ang bawat pamilya ay dapat magsumite ng isang aplikasyon para sa pamilyang iyon.
Ang aking sambahayan ay binubuo ng maraming nag-iisang mga maygulang.Paano kami dapat mag-aplay?
Ang bawat isang maygulang ay dapat magsumite ng isang aplikasyon para sa kanilang sarili.
Maaari ba akong mag-aplay sa ngalan ng aking umaasang mga anak?
Ang inyong mga umaasang anak ay dapat isama sa inyong sambahayan na aplikasyon.
Talaan ng kita ng pagiging karapat-dapat